HWAG ABUSUHIN ANG IBANG TAO.
Mula nung nagaral ako dito sa Manila, marami na kong napansin na hindi
kanais nais na gawain ng iba't ibang klaseng indibidwal. Ngayong araw na
to, gusto ko lang sana ibahagi ang aking karanasan sa pagsakay sa mga
PEDICAB/TRICYCLE. Knina, dahil sa aalis na ung bus na sasakyan ng
kapatid ko, ayun. Nagmadali ako from Chowking para bumili ng lunch nya,
then sumakay ako ng pedicab going to Victory Liner. Hindi po yun
kalayuan, pwede ngang lakarin e, kaso dahil sa time, napilitan ako. And I
was so shocked when they told me P30 po ang bayad. Haller. Parang from
PRC to FEU nga lang e. Dahil ayokong mabadtrip saka nagmamadali nako
dahil aalis n nga ung bus, okay, nagbayad na lang ako. May mga tao
talagang aabusuhin ka, minsan they are OVERPRICING kasi makikita nila na
BATA ka pa, o kaya, mukha kang may kaya, mukhang kaya mong magbayad.
Pare-parehas po tayong nangangailangan ng pera, alam ko po, nagsusumikap
lang din po kayo para sa pamilya niu pero po sana, wag naman po kayong
mangabuso ng ibang tao. Oo bata pa po ako saka babae pa, pero hindi po
un dahilan para itake advantage niu po ang sitwasyon.
Sana,
kung sino man po ang tamang institusyon na namamahala para sa mga
Pedicab/Tricycle Drivers, sana naman po, may mga guidelines naman po
kayo kung anu o paanu po ang tamang presyo ng pamasahe sa partikular na
lugar o kung ilang kilometro ang tatahakin. At ito ay dapat sundin. Nang
sa ganun, maiwasan po ang OVERPRICING. It will apply to all not for a
particular group of people. Minsan, nasa atin ang problema kung bakit
hindi umuunlad ang isang komunidad, kahit gaano kagaling ang mag lider
kung ang mga tao nito ay walang disiplina, wala po tayong patutunguhan.
Pati rin po sa mga Taxi Drivers, kahit may metro na, nagpapadagdag pa
rin sila. Dahil madami kayo o kaya dahil malayo. (ilang beses na kaming
nakaranas ng gnyan ng aking mga kaibigan)
No comments:
Post a Comment